"...The relationships created through gaming are more important than the game itself.Hindi mo dapat ipagpalit ang mga kaibigan mo in game para lang sa kakarampot na gold.Kaya utang na loob wag na wag ninyon hahackin ang katropa niyo."- Josh
Since it was holy week already, I decided to have an early post for our next Featured Pinoy Online Gamer. Last time, we get to know some of what they called "Bullies" of Dragonica PH Forum. Now, let have someone from the group of "TULISans". Guys (and Girls!), let us get to know Josh Henry Regondola; no other than "Batotoy" of Wasak Guild:
2010 Christmas Party Gift
Inuman Session with his Cousin
Josh Henry Regondola a.k.a. "Batotoy" is one of the known members of Dragonica PH Wyvern Guild, Wasak. His guild and his very own forum name (Batotoy) is really catchy; sounds like a maniac from a group of rapist, right? (LOL! Just kidding!) I don't know Batotoy so much so I decided to ask some of his guildmates whom I think know him even a little. And here are what they said about Batotoy:
Nicci said:
"Bully. Bully. Bully.Menyak! haha joke. A good friend despite na sadyang alaskador lang talaga. atGwapodaw sabi niya. *Ayoko ng magsalita* "
GrizzLied said:
"Pagkakakilala ko ke Batots? Hmmm, one word, menyak! :)) Pero seriously, asteg yang c josh, masaya kasama ingame kasi makulit, bibo,maingay (in a good way), tsaka magaling makisama, nasasakyan nya yung trip naming R-18 :)). In real life naman paubaya ko na kay aldz (aldzyo) xD. Konti lang kase alam ko dyan kay josh irl, basta alam ko matulis yan bwahahaha."
Aldzyo said:
"si Batotoy ay napakayabang. puro hangin. puro satsat, wala namang binatbat.nakikipagtapat sa 5~10 levels away from his. san ka pa. di na nahiya. bully.parang lata. walang laman. puro ingay.nagpapakatulis, mapurol naman. wahaha.so far un ung pagkakakilala ku sa kanya in game.on the other hand, bestfriend ko siya in real life.dun, walang pinagkaiba. mayabang at puro daldal pa din.ngunit, isa siyang napakabuting barkada at the same time.matalino. maalalahanin. matulungin. masayahin. mayabang.rakenrol Batotoy! :D"
Sounds interesting? Well, let us get to know more Josh Henry Regondola a.k.a. Batotoy as he shared himself to us:
Real Life Name: Josh Henry Regondola
Birthday: October 3, 1989
Birthplace: Ligao City, Albay
Occupation: Fresh Graduate of BS Computer Engineering
Some Info About Josh:
Ako po ay isang tao na ubod ng bait, sobrang mahiyain at higit sa lahat saksakan ng gwapo. Ako ang pinakahumble na tao sa mundo.
Haha, seriously Di ko alam kung panu idedescribe ang sarili ko. Basta bukod sa mahilig ako sa bahay aliwan madalas din ako magsimba. Kaya pag December pagkatapos ng bahay aliwan deretso simbang gabi.
List of Online Games Played and Currently Playing: Ragnarok, Exteel SEA, Gunbound (GIS and PH), RAN, KHAN, Priston Tale, Grand Chase, Dragonica etc.
Kiko: How do make your characters so strong like that?
Josh: Actually, Di ko kino-consider na strong ang mga characters ko. I just consider them important lalo na kung talagang nag grind ako para mag level-up ung character.
I really hate grinding, mas gusto ko pa tumambay at magchat kesa magpa level-up. Kadalasan mas mabilis pa ako yumaman kesa tumaas ang level dahil madalas tambay ako sa market (reminiscing the old ragnarok days).
Kiko: How do you manage and balance your in-game and real-world life?
Josh: In reality balancing your gaming life and real life is a big pain in the ass. Di ako naniniwala sa mga taong nagsasabing disiplina lang ang sagot sa tanung na ito. It took me so long before I was able to not actually balance but actually set my in game and real life priorities in place.
Wala naman talagang balanseng gaming and real life dahil una sa lahat wala namang balanseng buhay. Ang pagsasabi na balanse ang buhay mo sa lahat ng aspeto ay isang malaking kalokohan.
Kiko: Have you come to the point that your gaming life affected your real life? Especially with your family and friends?
Josh: Maraming beses na tong nangyari. Lol. Naalala ko ng binreakan ako ng gf ko dahil sa impulsive kong reply sa kanya habang naglalaro ng Mafia Wars sa facebook, “mamaya ka na magchat, wala ka namang kwentang kausap e”.
Kaya sa mga kababaihan, sana isipin niyo lagi na not all things said are meant.
Kiko: There are lots on Pinay Online Gamers nowadays. Do you (by any chance) seek some proof to prove that the one who you're playing is a real girl? If so, WHY? Is that a big deal?
Josh: Lots? Masyado naman atang exaggerated kung sasabihin nating “lots” na ang babae sa gaming. Seriously siguro several lng. Kalalakihan pa rin ang nagdodominate sa gaming world sa aking opinion.
Usually talagang inaalam ko kung talagang babae in real life ang isang gamer lalo na kung ito ay member ng guild na aking kinabibilangan. Ito ay para sa kapakanan ng bawat miyembro ng guild dahil kung nakapagsisinungaling ka sa gender mo, tiyak sa mas marami pang bagay sinungaling ka.
Kiko: Special Question from Girls: Bakit ang TULIS nyo kapag nalaman nyo na "real "girl ung player?
Josh: Ang panunulis ay isang natural na reaction na sa kalalakihan. Marami lang sigurong matulis sa game dahil hindi nila ito magawa in real life (e.g. GM Rino, Spakiki, Entity :*).
Kiko: What do you exactly feel when you are 'constantly' pawned or owned by a girl in-game?
Josh: Wala lang mas nage enjoy ako at naa amaze sa mga kababaihang malakas in game dahil mas madalas konti bola lang matutulis mo na sila. Hahaha. Pero magingat baka ma-Katposh kayo.
Kiko: Have you fall in love in-game?
Josh: Never, mahahati lang ang assets mo in game. Lol. Imbes na sarili mo lang iniisip mo me manghihingi pa sayo. Para sa akin ang pagiging in-love ay kailangan ng panahon na pagiging magkasama.
Mahal mo ang isang tao kung kaya mong tiisin ang anghit niya sa katawan o anumang kapintasan niya. Isang kalokohan na sabihin sa nililigawan mo ( in game or irl) na mahal mo siya ngunit di mo naman gaanong kilala.
Masarap manulis pero ang panunulis ay panunulis lamang at kailanman hindi pwede maging pagmamahal.
Kiko: If you need to choose only one between two things: girlfriend or game; which one you'll choose NOW?
Josh: Napakahirap na tanong ito Kiko, pero sa aking pananaw pwede naman silang pagsabayin. Maglaro kayo ng gf mo hahaha. Lol. Seriously, one of the things I learned in my gaming life is that the relationships created through gaming are more important than the game itself. Hindi mo dapat ipagpalit ang mga kaibigan mo in game para lang sa kakarampot na gold.
Kaya utang na loob wag na wag ninyon hahackin ang katropa niyo. Same way goes sa gf mo, wag mo ipagpalit ang gf mo sa simpleng laro lang, lalo na kung binibigyan ka niya ng pambili ng EP.
Kiko: Do you prefer your girlfriends to be gamers as well, or not? WHY?
Josh: Siguro Nope. Pano na lang kung gamer yung gf mo, eh hindi ka na makakapanulis niyan. Hehe
Kiko: Any tips for your fellow gamers in your current games?
Josh: Just enjoy guys. Wag masyado seryoso. Ok lang murahin ang kaparty as long as you don’t actually mean it. Alam natin maraming bobong naglalaro ng dragonica pagpasensyahan niyo na lang sila. Malay niyo isa kayo sa kanila. Hahaha
Seriously, just learn to put your priorities in place. Pag busy kayo sa school wag muna kayo maglogin, pag balik niyo makukuha niyo na ang pinaka aasam ninyong “Long time no see” medal at the same time you are able to pay attention to your studies.
Kiko: Anything else you want to say?
Josh: I just want to thank Bench for my underwear, sensation for my ****, Grand matador brandy and my freakin awesome guild Wasak.
In game friends and forums friends hello hello.. Lastly, thanks kiko sa pagbato sa mga katanungang ito. Iilan lamang ang gwapo sa mundo at napakagaling mo pumili. Salamat.
Well, I hope girls will not be scared of you anymore! LOL! Thanks Josh for being part of Featured Pinoy Online Gamer series! Until next time, guys!