RSS
"Kwaderno ni Kiko" is my silent way to shout my thoughts, feelings, and ideas. As you read along this humble blog, get to know and learn more about me at "Kwaderno ni Kiko".

Jul 31, 2010

Hinanakit Ng Isang Kuya

Minarapat ko na sa ganitong paraan ko na lamang ibuhos ang sama ng loob na nararamdaman ko magmula pa ng nagdaang gabi:

"Hindi madali ang maging isang Kuya o tumayo bilang isang Kuya sa inyo... Lalo na at hindi nyo talaga ako kadugo... Pero bilang isa sa nakakatandang "anak" sa bahay, ako na ang inyong naging kuya at pangalawang panganay... Sa loob ng maikling panahon na nakasama ko kayo, itinuring ko na kayong parang mga tunay na kapatid... Dahil sa inyo, naramdaman ko ang pagiging isang kuya muli...

Pero, sadyang may mga makulitan at katigasan ang mga ulo nyo... Bagay na syang madalas na nagiging dahilan kung bakit namin kayo napapagalitan ng Ate nyo... Sinasaway namin kayo ng mahinahon, pero makailang beses muna namin kayo sasawayin bago kayo tumalima... Kung hindi pa kayo sisigawan, hindi kayo makakarinig... Kung alam nyo lang: nakakapagod magsaway nang pasigaw... Imbes na magamit namin ng Ate nyo yung energy namin sa paggawa sa gawaing bahay, kadalasan ay nasasayang lang sa pagsasaway sa inyo... Hindi naman kami nagsasalita ng ibang lengguwahe kapag nagsesermon o nagsasaway kami sa inyo... Pero bakit hirap kayo intindihin ang mga sinasabi namin? Kumplikado ba masyado ang mga sinasabi namin? Kapag mga bilin namin, madalas nyo nakakalimutan, pero kapag mga walang kwentang linya sa palabas sa TV, madali nyo matandaan... Ano bang klaseng pag unawa meron kayo?

At kapag hindi kayo nadadaan sa simpleng salita/saway o di kaya ay may ginawa kayong malaking katangahan, hindi naiiwasan na napaparusahan namin kayo ng Ate nyo; lalo ka na, Onyok... Ang laki-laki mo na, pero nuknukan ka ng pasaway... Nasa High School ka na, pero utak mo pang Elementary lang... Matalino ka naman pagdating sa eskwelahan; pero bakit kapag nasa bahay ka, ang tanga tanga mo? Simpleng instructions, hindi mo ma gets... Sasabihin mo nakalimutan mo? Hindi pwede na laging ganun, Onyok... Oo, lahat ng tao nakakalimot; maski ako minsan nakakalimot din... Pero MARUNONG AKO MAGTANDA... Eh ikaw, marunong ka ba magtanda? Alam ko na sasabihin mo: sasabihin mo sa akin, marunong ka magtanda... Gasgas na yan Onyok... Ako na nagsasabi sayo: HINDI KA MARUNONG MAGTANDA. Wala kang kadala dala, Onyok... Karamihan ng major disasters na nangyari sa bahay, ikaw ang may kasalanan...

Yung LPG, ilang beses mo nakalimutan isara yun? Dalawang beses, Onyok... At hindi biro ang dalawang beses mo makalimutang isara ang LPG, dahil ANG MINSAN AY SAPAT NA para mawalan tayo ng bahay sa isang iglap... Inis na inis ako sa iyo noon, Onyok... Tama lang na binugbog kita noong pangalawang beses ka nakalimot magsara ng LPG. Yun ang unang beses na pinagbuhatan kita ng kamay ng matindi... At hindi ko akalain na ito pala ang magiging dahilan para magkaroon tayo ng malaking puwang...

Onyok... Siguro naman ay hindi lamang ako ang nambugbog sayo ng ganun... Alam ko, maski kay Nanay o Tatay dati, naranasan mo na ang mabugbog... ISANG BESES lamang kita napagbuhatan ng kamay na tulad nun... Pero bakit kung magsumbong ka sa ibang tao eh parang minamaltrato kita palagi? BAKIT, ONYOK? Sobrang sakit ba ng ginawa ko sayo? Nagkapasa ka ba sa katawan? Pumutok ba ang labi o noo mo? Napilayan ka ba ng braso o binti? Ano pinagkaiba ng naranasan mong pangbubugbog sayo ni Nanay sa ginawa ko sayo?

MASAMA LOOB KO SAYO, ONYOK... Alam mo naman kung bakit ko ginawa yun, sayo, hindi ba? Pero bakit parang pinapalabas mo sa ibang tao na AKO ang may pagkakamali? Alam mo, Onyok... Sa tuwing maiisip ko ang eksena natin sa labas ng bahay kagabi, hindi ko makalimutan ang mga katagang tumatak talaga sa isip ko: "WALA KANG KARAPATAN NA GAWIN YUN"... Sakit sa pandinig, Onyok... Pakiramdam ko tuloy, ibang tao sa inyo... Para ako hindi isang Kuya na gumagabay at nagdidisiplina sa inyo...Oo nga pala, HINDI KITA KADUGO... HINDI KITA KAANO ANO... Kaya magmula ngayon, WALA NA AKO PAKIALAM SAYO; tutal, WALA AKONG KARAPATAN sa inyo, hindi ba? Huwag ka na mag-aksaya pa ng oras lumapit sa akin para kausapin ako o humingi ng tulong dahil hindi kita kikibuin o tutulungan... At lalong huwag mo na ko tatawaging "Kuya Francis"... Dahil hindi kita kapatid... At hindi kita kaano ano... Hindi mo ako kaya irespeto bilang isang KUYA....

Kung sa Ate mo eh nagawa mong humingi ng tawad matapos mo kaming tawagin na "SEMI CORRUPT", ibahin mo ako, Onyok... Hindi na tatalab sa akin ang drama mo... Pagod na ako sa iyo, Onyok... Pagod na ako magsaway sa taong hindi marunong magpasaway... Pagod na ako mag utos sa taong hindi marunong sumunod... Pagod na akong gumabay sa taong hindi marunong at ayaw magpagabay..."

Jul 30, 2010

Ragnarok World Championship 2010 Philippine Representative

Noong nakaraang July 17, 2010 (Saturday) ay idinaos ng Level Up! Inc. sa A.Venue Events Hall, Makati City ang Ragnarok Philippine Championship (RPC); isang taunang kumpetisyon kung saan naglalaban laban ang pinakamagagaling na guilds mula sa iba't ibang servers ng Philippine Ragnarok Online. Layunin ng competition na ito na malaman kung sino ang "best of the best" sa bawat server at nararapat magtunggali para sa titulo bilang Ragnarok Philippine Champion.

Sa taong ito, walong team ang naglaban laban: New Chaos Server Champion Team Renegades, Valkyrie Server Champion Team Kingdom of Justice, Sakray Server Champion Team Naked, Valhalla Server Champion Team Bitzbox, Regional Champions Team Plants and Team Zombies, Ultimate Wild Card Team Montage at Player’s Choice Champion Team Shivans. Lahat ay nagnais manalo sa kumpetisyon, ngunit higit na namayagpag sa kanilang lahat ang Team Shivans (Player's Choice Champion). Nakatuwa ang pagkapanalo nila dahil tinalo nila ang mga kampeon ng 3 servers ng Philippine Ragnarok Online:

Quarter Finals:
Team Bitzbox (Valhalla Server Champion)
--> nagwagi ang Team Shivans sa iskor na 2-1
Semi Finals:
Team Renegades (New Chaos Server Champion)
--> nagwagi ang Team Shivans sa iskor na 2-0
Finals:
Team Naked (Sakray Server Champion)
--> nagwagi ang Team Shivans sa iskor na 3-0

Ang Team Shivans ang magiging representative ng Pilipinas para sa nalalapit na Ragnarok World Championship (RWC) 2010 na gaganapin sa Jakarta, Indonesia sa October 2 o 3, 2010* (*date not yet confirmed). Noong nakaraang taon, pumasok sa Finals ng Ragnarok World Championship (na ginanap sa Yokohama, Japan) ang Team Influenza (New Chaos Champion) ngunit nabigong magwagi kontra sa Team Japan. Ngayong taon na ito, susubukan ng Team Shivans na manalo sa competition at hirangin bilang 1st Filipino Ragnarok World Champion.

Team Shivans: Ragnarok World Championship 2010 Philippine Representative

Goodluck, Team Shivans!
Ipakita nyo ang galing ng Pilipino!

Sayang Ang Bigas

Napaka corrupt talaga ng nagdaang administrasyon.... Isipin nyo: Noong 2004, kulang tayo ng 117,000 metric tons ng bigas ngunit nag angkat sila ng 900,000 metric tons mula sa ibang bansa. Noong 2007 naman, nagkulang tayo ng 589,000 metric tons ng bigas ngunit nag angkat tayo ng 1,827 metric tons. Sobra-sobra ang inangkat na bigas sa dalawang taon na nabanggit... hindi pa kasama dito ang bilang ng bigas na inangkat sa nakalipas pang mga taon na hindi nabanggit... Sa totoo lang, hindi ko makuha ang logic kung bakit kinakailangan mag angkat ng bigas na sobra-sobra sa ating taunang pangangailangan...

Over Stocked NFA Rice
Nakakahinayang ang mga sako-sakong bigas ng NFA na naluma lamang sa mga bodega... Dili sana'y marami mga Pilipino na isang-kahig-isang-tuka lamang ngayon ang napakain ng mga nakatambak na bigas... Kung hindi man maaaring ipamigay ng libre, eh di sana ibinenta na lamang nila ito ng mura sa mahihirap... Pero, dahil sa sobrang tagal na naka imbak lamang ito sa mga bodega ng NFA; maski pagkain ng baboy; hindi na ito pwede...

Walang masama kung mag imbak ng sobrang bigas, huwag lamang SOBRA SOBRA sa kung ano ang kailangan natin... Sayang kasi kung masisira lamang... Sobrang nakakahinayang.


Jul 29, 2010

They Are Not Always Equal

Gusto ko lang ibahagi ang principle na ito na may kinalaman sa internet marketing:
"Rankings are not always equal to Traffics; same thing that Traffics are not always equal to Conversion."
May katotohanan naman, hindi ba?

Hindi porke't mataas ang rankings ng isang website sa Goggle, Yahoo, o/at Bing, hindi ibig sabihin nun eh mataas na din ang makukuha nitong traffics galing sa mga search engines... Eh Kung naka rank man ang isang website sa maraming keywords pero wala naman masyadong search volume / query, wala din walang masyadong traffic na ibibigay ang pagkaka rank sa mga keyword na ganito.

At gaya ng rankings at traffics, hindi porke't mataas ang website traffics (o bilang ng bumibisita sa website) eh mataas na din ang sales conversion nito para sa isang website... Dahil aminin man natin o hindi, hindi lahat ng bumibisita sa isang website ay "target audience" natin o yung mga taong gusto talaga nating bumisita sa website... May iba kasi na minsan eh parang "naligaw" lamang...
.

WordCamp Philippines Na Naman!

Yehey! Makalipas ang kulang isang taon na paghihintay matapos ang WordCamp Philippines 2009 na ginanap sa Asian Institute of Management sa Makati City, heto at magsisimula na ang WordCamp Philippines 2010! Nagsimula ang kanilang online registration para sa mga participants last July 15, 2010 pa; pero kahapon ko lang ito nalaman. Buti na lang bigla kong naisip magcheck ng update about sa nalalapit WordCamp Philippines 2010. P700.00 ang registration fee para sa taong ito; pero P500.00 lang ang registration fee sa mga magpapa register at makapag bayad on or before August 15, 2010. Kaya, nagpa register agad ako (sayang yung P200.00 discount ah!)

Confirmed Registration Processs

At bilang proud participant ng nasabing event, naglagay ako sa blog sidebar ko ng WordCamp Philippines Blog Badge tulad nito:

WordCamp Philippines 2010

Ang WordCamp Philippines 2010 ay gananapin sa October 2, 2010 (Saturday); mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi; sa College of Saint Benilde sa Taft Avenue, Manila.

Para sa iba pang karagdagang detalye, maki update lamang sa pamamagitan ng WordCamp Phillipines Twitter o di kaya ay bisitahin ang kanilang Official WordCamp Philippines 2010 Website.

Jul 28, 2010

Vampires Suck!

Kahapon; Martes (July 27, 2010); habang naghihintay ng MRT papasok ng opisina, naagaw ang atensyon ko ng isang balita sa dyaryong Libre: Vampires Suck! Akala ko naman, isa iyong kritisismo sa pelikulang Twilight Saga: Eclipse; yun pala; pamagat pala iyon ng isang pelikula. Oo, "Vampires Suck" ang pamagat ng pelikulang ito kung saan spoof sya ng Twilight Movie. Maihahalintulad sya sa Meet the Spartans (spoof movie ng "300"). Kung na fall-in-love ka sa mga eksena sa "Twilight", malamang ma fal-in-chair ka sa kakatawa sa pelikulang ito. Heto at panoorin nyo na lang ang official movie trailer ng "Vampires Suck": (Oo nga pala, Rated PG 13 ang pelikulang ito)

Jul 27, 2010

Unang SONA Ni Pangulong Noynoy Aquino

Hindi ko nagawang manood ng SONA kahapon gawa ng may ilang mahahalagang bagay kaming inasikaso. Nagkaganun man, hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito ng mag blog tungkol sa unang "State Of the Nation Address" ni Pangulong Benigno Aquino III. Heto ang transcript ng talumpating binigkas ng ating mahal na Pangulong Noynoy Aquino: (Salamat sa Blog ni Bryan Depano)

Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;
Mga minamahal kong kababayan:
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.
Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.
Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos. Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.
Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.
Saan naman po dinala ang pera?
Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.
Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.
Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.
Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.
Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.
Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.
Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:
Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.
Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.
Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.
Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.
Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.
Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ngbudget na 425 million pesos.
Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.
Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.
Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.
Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.
Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.
Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.
Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.
Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.
Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.
Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.
Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.
Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.
Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.
Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.
Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.
Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.
Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.
Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?
Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.
Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:
Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.
Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.
Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.
Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.
Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.
Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.
Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.
Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.
Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.
Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.
Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?
Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.
Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon.
Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.
Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.
Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.
Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.
Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.
Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.
Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.
Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.
May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.
Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:
Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.
May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.
Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.
Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.
Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.
Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.
Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.
Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.
Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.
Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.
Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.
Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.
May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:
Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.
Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.
Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.
Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.
Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.
Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.
Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.
Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.
Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.
Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.
Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.
Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.
Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.
Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.
Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.
Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.
Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.
Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.
Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.
Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.
Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.
Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.
Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.
Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.
Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.
Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.
Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.
Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.
Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.
Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.
Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.
Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.
Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.
Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?
Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.
Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.
Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.
Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.
Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.
Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.
Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?
Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?
Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.
Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.
Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?
Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.
Maraming salamat po."

Jul 26, 2010

Kanto Boyz Sing Lady Gaga's Songs! (A.S.A.P. July 25, 2010)

Nasa bahay lamang kaming mag asawa noong nakaraang araw ng Linggo. Habang naglalaba ako ng aming maruruming damit, napatigil ako saglit sa sa pinapanood ng asawa ko sa TV. Di ko sigurado kung anong tawag sa portion na iyon ng A.S.A.P. (Kanto Boyz yata), pero naaliw kaming panoorin sina John Lloyd Cruz, Vhong Navarro, Luis Mansano, at Billy Crawford sa kanilang interpretative number of Lady Gaga's Songs. Heto at panoorin nyo ang video na ito with special participation of Sam Milby: (Mangyari ay hintayin lamang lumipas ang 2:45 minutes para sa portion nilang iyon. Salamat!)


Jul 24, 2010

I Got Exclusive Dragonica Online Slayer Pack!

Kung naaalala nyo sa mga naunang kong blog post, nag register ako para Dragonica Online Closed Beta Testing na sinimulan kamakailan lamang. Medyo late na ako nakapag register noon; mga less than 2 weeks na lang yata bago ang Dragonica Online CBT. Kaya laking tuwa ko kahapon nang makatanggap ako ng "Exlusive Dragonica Slayer Pack" mula sa Team Dragonica Online Philippines! Ang nasabing "slayer pack" na ito ay para lamang sa unang 10,000 registrants para sa Dragonica Online CBT. Sa totoo lang, hindi na ako umasa na makakatanggap pa ako ng "slayer pack" dahil bukod sa medyo late na nga ako nakapag register, may notice na "Account not included" noong nag-validate ako ng e-mail para sa "slayer pack" last week; kaya akala ko hindi na talaga ako kasama sa listahan ng 10,000 "Dragonica Slayer Pack" recipients. Ang saya-saya ko kahapon nang iabot na sa akin ng asawa ko ang nasabing package! Heto at may picture pa ako sa nakuha kong "Exclusive Dragonica Slayer Pack":

Dragonica Online Slayer Pack Package
Dragonica Online Slayer Pack Package

Dragonica Online Slayer Pack
Dragonica Online Slayer Pack

Dragonica Online Game Guide
Dragonica Online Game Guide

Dragonica Online Collector's Item Sticker
Dragonica Online Collector's Item Sticker

Dragonica Online Installer
Dragonica Online Installer

Dragonica Online CD Installer
Dragonica Online CD Installer
Dragonica Online CD Installer (with OBT Coupon!)

Jul 23, 2010

How To Resolve "Is This Your Photo" Yahoo! Messenger Virus

This is an important information that I need to share not only to my fellow countrymen, but also for those who are infected by "Is This Your Photo" Virus; a virus that was widely spread now in the internet. Here is an information I got from Hackoshit.Com about this Yahoo! Messenger Virus and how to remove it from our PC once we get infected by this virus:
"The first time I encountered this problem was two weeks ago. I was using my PC when an instant message from my niece suddenly popped up. To my surprise, the message with some clickable link in it was written in Thai! Right there, I knew it didn’t come from my niece. Ignoring the message, I closed the YM window. After a few minutes, another message popped up. Then followed by another, and another, and another… Annoyed, I removed my niece from my YM’s contact list.

After a week, I received a similar instant message from my sister-in-law. This time, the message was an invitation to view some photos in some website by clicking the provided link. Since there was no other note included, I suspected that the message was not from her. My suspicion was confirmed when after a few seconds, another message was sent. Hmm, another compromised messenger account, I thought. I sent a message back and advised her to change her messenger password ASAP.

I initially thought that this was some kind of an instant messaging spam. After running a search in Google, I realized that it is even worse. There seems to be two forms of attack, one is an actual virus/worm that spreads via instant messaging and the other is a phishing attack launched against YM users. For the latter, the attack usually starts with an instant message from the user’s contact list. The message usually includes a link to a Yahoo-looking site requiring visitors to login and thus revealing their yahoo id and password. The phisher then uses this information to trick other YM users in the contact list of the compromised account. Worse, the phisher also gains access to all personal information in the user’s other Yahoo accounts such as emails, photos, groups, etc.

The virus/worm version is reported to take control of your messenger, and send messages with website links to your contact list without your knowledge. When the link is clicked, the virus downloads a copy of itself to the user’s PC, disables the registry editor and task manager, hijacks Internet Explorer homepage, and leads users to sites that automatically install malicious softwares on their PCs. Moreover, there seems to be several variants of this virus/worm out there: Yh032.explr, w32.KMeth, Worm_Sohanad.B, etc.

Y! Messenger viruses take advantage of the program’s vulnerabilities that come with Java script and VBS. You can be infected simply by clicking a link to a picture (.JPG). When the page presenting that picture loads, java scripting run’s a VBS (visual basic script – works on any Windows machine) that rewrites data on your harddisk. After you get infected, the virus starts sending mass messages to all contacts in your list asking them to follow a link, like in the example bellow. The messages vary, being generated randomly from different keywords from the virus’s database.

If you are already infected, the easiest way to remove the virus/worm is to use system restore if you are using Windows XP. See Microsoft Help for details. Be sure to choose a restore point before you got the virus/worm and then scan your system for any signs of the virus/worm after the restore. Update your PC regularly and use an up-to-date antivirus program. If this doesn’t work, you can try to do the next steps:


1: Close the IE browser. Log out messenger / Remove Internet Cable.
To enable Regedit
2: Click Start, Run and type this command exactly as given below: (better – Copy and paste)
REG add HKCU\Software\Microsoft\Windows\CurrentVersion\Policies\System /v DisableRegistryTools /t REG_DWORD /d 0 /f
3: To enable task manager : (To kill the process we need to enable task manager)
Click Start, Run and type this command exactly as given below: (better – Copy and paste)

REG add HKCU\Software\Microsoft\Windows\CurrentVersion\Policies\System /v DisableTaskMgr /t REG_DWORD /d 0 /f

4: Now we need to change the default page of IE though regedit.

Start>Run>Regedit

From the below locations in Regedit chage your default home page to google.com or other.

HKEY_CURRENT_USER\SOFTWARE\Microsoft\Internet Explorer\Main

HKEY_ LOCAL_MACHINE\SOFTWARE\Microsoft\Internet Explorer\Main

HKEY_USERS\Default\Software\Microsoft\Internet Explorer\Main

Just replace the attacker site with google.com or set it to blank page.

5: Now we need to kill the process from back end. Press Ctrl + Alt + Del

Kill the process svhost32.exe . ( may be more than one process is running.. check properly)

6: Delete svhost32.exe , svhost.exe files from Windows/ & temp/ directories. Or just search for svhost in your comp.. delete those files.

7: Go to regedit search for svhost and delete all the results you get.

Start menu > Run > Regedit >

8: Restart the computer. That’s it now you are virus free.

I don’t know whether any removal patch that works for such Trojans/viruses. But we can easily delete them manually."

Jul 22, 2010

Angat Ang Galing Ng Tsi-Noy!

Sa kabila ng mga nakalungkot na balita sa TV patrol noong nakaraang gabi, humanga ako sa galing ng apat na estudyanteng Tsi-Noy na itinanghal bilang kampeon sa Microsoft Imagine Cup 2010 na ginanap sa Warsaw, Poland. Sa ilalim ng Game Design Competition, nagwagi ang larong "Wildfire" ng Team By Implication ng Pilipinas. Ang "Wildfire" ay isang laro na hango sa naging karanasan nating mga Pilipino noong kasagsagan ng bayong Ondoy noong 2009. Paano ito laruin? Panoorin nyo ito:



"Wildfire is a game about saving the world. Opponents like rampant poverty, gender inequality, inadequate education and environmental degradation cannot be defeated by marching armies, secret potions or magic swords. This is a game about how they can be defeated.

Through volunteerism, social interaction, and nonviolent activism, players will explore a sprawling urban landscape, building up grassroots support and seeking legislation on key Millennium Development Goals. Standing in their way are the menacing agents, representing the various forces opposing positive societal change.

Wildfire's ultimate goal is not only to offer a challenging, immersive gameplay experience, but also to promote universal awareness of the UN MDGs, and how they can be achieved through concrete action."

-----

Team by Implication
Ang galing, hindi ba? Simple lang ang graphics, pero napaka "unique" ng ideya nila Philip Cheang, Wilhansen Li, Rodrick Tan (Ateneo de Manila University), Levi Tan Ong (University of the Philippines) at Kenneth Yu (De La Salle University) na syang bumubuo sa Team By Implication at kumatawan sa Pilipinas sa nasabing kumpetisyon. Ang nakakatuwa pa, ayon sa balita sa TV Patrol World, wala silang "raw knowledge" talaga sa game design and development. Nakakabilib ang mga batang ito! Heto at panoorin nyo ang presentasyon ng kanilang entry sa Microsoft Imagine Cup 2010:






Para sa buong detalye ng balita, basahin lamang ang mga articles sa mga websites na ito:

Malungkot na Katotohanan sa Likod ng Krisis sa Tubig

Kagabi (Miyerkules; July 21, 2010), nanood ako ng TV Patrol World kasama ang asawa ko habang naghahanda ng lulutuin para sa hapunan. Sa panimula pa lamang ng panggabing balita ng ABS-CBN, di ko maiwasang mapailing at malungkot sa mga pangunahing balitang para sa araw na iyon. Karamihan sa mga pangunahing balita ay tungkol sa lumalalang krisis sa tubig. Heto at panoorin nyo ang video ng mga pangunahing balita sa TV Patrol World:





Nakakapanlumo, hindi ba?

Jul 21, 2010

Krisis sa Tubig

Nasa kalagitnaan na tayo ng taong kasalukuyan, ngunit 3 bagyo pa lamang ang dumadalaw dito sa Pilipinas. Dahil dito, bumaba na sa critical level ang tubig sa Angat Dam; ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Maynilad na syang nagsu supply ng tubig sa kalakhang Maynila. Nito lamang nakaraang araw ng Linggo, sumadsad na sa 157.56 meters above sea level ang tubig sa Angat Dam (mababa ng higit sa 20 meters sa critical level nito na 180 meters above sea level). Dahil sa napakababang water level ngayon ng Angat Dam, kinailangan ng Maynilad na bawasan ang isinusupply nilang tubig ng 30 porsiyento (30%) at magpairal ng isang Scheduled Water Interruption. Maraming residente sa kalakhang Maynila ang apektado lalo na ang mga tao sa lugar ng Pasay, Muntinlupa, at Las Pinas kung saan mahina ang water pressure at hindi halos umaabot ang tubig sa mga kabahayan.

Kahapon lamang (Martes; July 20, 2010), naranasan natin ang hirap ng kawalan ng tubig. Nagsimulang mawalan ng tubig sa Malabon bandang alas 4 ng madaling araw (naghahanda na ako ng mga oras na iyon para pumasok sa opisina). Bagamat nakapag ipon kami ng tubig sa bahay (dahil ilang araw na din kami nawawalan ng tubig; pero 2 - 6 oras lamang), hindi sumapat iyon para tumagal ng 12 oras na tinaya naming pinakamatagal na oras na mawawalan ng tubig sa lugar namin. Lumipas na ang 12 oras, wala pa din tubig sa lugar namin. Pagdating ko sa bahay galing ng opisina, agad ako nagbihis para bumili ng makakain namin para sa hapunan at para maghanap ng mabibilhan ng pandagdag na tubig na inumin. Wala na akong nabilhan ng tubig maski saan (kung sabagay, kung umaga pa lang nawalan ng tubig, baka wala pang tanghali ay wala na din tubig sa mga water station).

Pagkakain ng hapunan, eksatong dumating ang nagrarasyon ng tubig sa lugar namin. Nakisingit kami agad ng bayaw ko sa mga nagsisiksikan at nag uunahang mga tao para sa rasyon ng tubig. Dala ang malaking drum, pinilit namin makasahod kahit kalahating drum man lamang ng tubig. Ngunit, sa kasamang palad, kung kailan nasa tapat na ng drum namin ang hose ng tubig ng trak, sya namang naubos na ang laman nito.
Hindi man lamang umabot sa 1/4 ang laman ng drum na dala namin. Napagpasyahan na lang namin na umuwi at hintayin ang 2 milagro: Na sana ay (1) umulan na malakas, o di kaya ay (2) buksan na kaagad ng Maynilad ang tubig.

Nakatulugan na naming mag asawa ang paghihintay sa pagbukas ng tubig. Ngunit, bandang alas-2 ng madaling araw (Miyerkules; July 21, 2010), naalimpungatan kaming mag asawa dahil sa tila tumutulong tubig sa gripo namin sa baba. Nang matiyak na namin na may tubig na nga talaga, hindi kami nag aksaya pa ng oras. Kahit inaantok pa, pinagtulungan namin mag asawa ang pag iipon ng tubig at paglilinis ng lababo. Ako ang nag ipon ng tubig habang sya naman ang naghugas ng maruruming plato sa lababo. (dahil medyo mahina pa ang pressure ng tubig kaya sumalok muna ako mula sa gripo namin sa my silong). Lahat ng maaaring lagyan ng tubig, nilagyan ko na, ultimo yung lumang lalagyan ng mineral water at lumang thermos namin, nilinis at nilgyan ko ng tubig. (kahit papaano, makakadagdag yun.) Dahil mag alas 4 na ng madaling araw nang matapos kaming mag ipon ng tubig at maglinis, nagpasya na kaming magluto at kumain ng agahan nang sabay. (di kasi ako kumakain ng agahan sa bahay kapag may pasok) At kahit 3 oras lamang nang naitulog ko, pinilit ko pa din pumasok sa opisina ngayong araw na ito. (kailangan eh) =p

krisis sa tubig
Mahirap mawalan ng tubig. OK lang mawalan ng kuryente, madaling gawan ng paraan ang kawalan ng kuryente, ngunit ang tubig? Mahirap maghanap ng tubig. Hay... Walang kasiguruhan kung hanggang kailang magtatagal ang ganitong kakulangan sa supply ng tubig. Hangga't hindi umuulan ng malakas dito sa Pilipinas at naibabalik sa normal ang level ng tubig sa Angat Dam, patuloy natin mararanasan ang kakulangan ng tubig. Sana lamang, huwag tayo umabot sa punto na dahil sa sobrang kakulangan sa tubig, tayo-tayo mismo ang magpapatayan para lamang makuha ito. Nakakatakot... mukhang exaggerated... pero hindi malabong mangyari.

Kaya, dapat laging handa: Mag ipon palagi ng malinis na tubig sa mga kabahayan at magtipid sa pagamit nito, hindi lamang para sa pansariling kapakanan, kundi para din sa kapakanan ng iba na nangangailangan ng tubig.

Jul 20, 2010

Mini Chun-Li

Aksidente ko lang nakita ito sa DaddyJoey.Com nung minsang naghahanap ako ng impormasyon tungkol sa kung holiday ba sa July 26 at 27, 2010 (July 26 = President Aquino's 1st SONA; July 27 = Founding Anniversary of Iglesia ni Cristo). Ang cute nung bata sa suot nyang costume! Sarap kurutin! =)


Jul 19, 2010

Isang Pagsusuri sa Twilight Saga: Eclipse


Nito lamang nakaraang araw ng Linggo, nanood kami ng asawa ko ng "Twilight Saga: Eclipse" sa SM North EDSA. Ito ang unang beses ko manood ng Twilight Saga Movies (may pirated DVD copy ng "Twilight" at "New Moon", pero wala kasi ako oras manood kapag nasa bahay na.) Dalawang oras at 5 minuto ang itinagal ng nasabing pelikula; at ito ang ilan sa aking masasabi sa Twilight Saga -Eclipse Movie:


Tulad ng tagline ng pelikula na, "It all begin.. with a choice", ang istorya ng "Twilight Saga: Ecplise" ay tungkol sa "pagpili sa pagitan ng dalawang tao na parehong mahalaga para sa isang nilalang". Dito, kinailangan pumili si Bella sa kung sino ang magma may-ari ng puso nya: Si Edward ba na isang vampire na sa simula pa lang ay pino-protektahan na sya mula sa mga kapwa nya vampires; o si Jacob na isang warewolf at isa nyang matalik na kaibigan mula pa pagkabata. Isa itong mahirap na desisyon para kay bella dahil parehong mahalaga para sa kanya si Edward at Jacob; pero sa huli, kinailangan nya pumili ng isa. Hindi madali ang gumawa ng ganoong kabigat na klase ng desisyon; lalo na at kung alam natin na masasaktan natin ang kung sino man ang hindi natin pipiliin. ngunit sa realidad ng buhay, lahat ng tao ay dumadaaan at daan sa ganitong klase ng paggawa ng desisyon. Simple lamang ang maipapayo ko: "Kung sa pagpili sa pagitan ng dalawang tao ay di maiiwasan na may masaktan ka, piliin mo ang tao kung saan magiging masaya ka."

Sa "Twilight Saga: Eclipse", ipinakita na matagal nang panahon mula nang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng vampires at werewolves. Ngunit sa kabila nito, nakakatuwang makita kung papaano nagtulungan ang dalawang grupo upang labanan ang mga Newborn; isang malaking grupo ng mga bampira na hayok sa dugo ng tao (iba ito sa grupo ni Carlisle na mas pinili na huwag na uminom ng dugo ng tao, sa halip ay dugo na lamang ng hayop.) Bagamat maiikli at halos sa bandang hulihang bahagi na lamang ng istorya ipinakita paglalaban, humanga ako sa kung papaano prinotektahan ng bawat isa ang isa't isa; maging ito man ay kalahi nila o hindi. (sana ganito din tayong mga Pilipino, ano?)

Napansin ko din ang "nakakatawang paraan" ng pagkamatay ng mga bampira. Parang nababasag na ceramic na manikin lang sila kapag natatamaan... hehehe. Wala lang, napansin ko lang. =)

Sa kabuuan, maganda ang pelikulang "Twilight Saga: Eclipse". Hindi ko man napanood ang unang dalawang pelikula nito, masasabi kong isa ito sa mga sulit panoorin sa sinehan. At sigurado, gaya ng sabi ng iba: maho-hook ka talaga dito. Kaya, aabangan ko ang huling bahagi ng Twilight Saga: ang "Breaking Dawn".

Jul 16, 2010

Dragonica Online Philippines Closed Beta Testing Na!

Sa July 19, 2010; sa ganap na alas dose ng tanghali (Manila Time); magsisimula na ang Dragonica Online Closed Beta Testing (Dragonica CBT) dito sa Pilipinas! Sayang, walang computer shop malapit sa amin na pwede ako maglaro ng Dragonica Online (nakapag register pa naman ako para sa CBT) . Hirap talaga ng walang walang sariling computer sa bahay. Hay...

Ang Closed Beta Testing o CBT ay isang paraan ng mga game developers upang makita at malaman ang anumang sira o "bugs" ng laro na kadalasan ay nae-encounters ng mga manlalaro sa CBT period. Layunin nito na maayos ang anumang sira o "bugs" bago ito ilabas ng pormal para sa lahat.

Ano nga ba ang meron sa Closed Beta Testing o CBT ng isang laro? Matagal na ako naglalaro ng iba't ibang Massive Multiplayer Online Role Playing Games (MMORPG) pero hindi pa ako nakakalaro sa isang CBT. Sa pagkakaalam ko, mas mataas ang experience rate sa CBT kumpara sa Open Beta Testing (OBT) kung kaya mabilis makapag level-up ng mga characters. Mataas ang drop rate ng mga items sa isang CBT kaya malaki ang pagkakataon mo na makapulot ng "rare" o "high quality" na mga items. Ayos sana ang maglaro sa isang CBT; ang kaso, kapag natapos na ang CBT period, kadalasan ay binubura ang lahat ng accounts na ginawa para sa CBT.

Ayon sa Dragonica Online Philippines Blog, ito ang mga features at limitations ng Dragonica Online CBT:
  • Level 45 Capacity / Limit – Sa OBT na tayo mag grind ng todo todo (hanggang 3rd Job Level).
  • Temple of Water – Halina’t maligo at mag swimming sa mapang ito!
  • New Automated PVP event – Bubuksan namin ang patimpalak na ito sa July 31, August 1, and August 2 from 6pm to 12mn only.
  • Item rewards for specific level brackets – Ang mga item rewards ay ibibigay at mapapakinabangan lamang sa CBT. It will not be carried over sa OBT.
  • CBT Cash Shop – Characters will be given a certain amount of cash points para pang shopping! Wuhoo!
  • Bigwheel with random items – Try your luck habang free pa ang cash points!
  • W-Coin for sale (July 21 Available) – Bile na at subukan itong super cool na item na ito habang libre pa!
  • Free 1,000 Cash points for all CBT Registrants for testing – Ang tinde!
  • Bug Hunt Event with rewards for OBT – Hunt bugs and get rewards!
  • Davao Cyber Expo (onground) – Sa lahat ng mga taga Davao! Dragonica will be there para maghatid ng super kasiyahan! Freeplay and CBT registration for all!
Tandaan: Mabubura ang lahat ng account kapag nagsimula na ang OBT. Kaya ako, sa OBT na lang siguro ako maglalaro ng Dragonica Online. Tutal, alam ko naman na kung paano ko ibi-build ang gagawin kong character until the 3rd Job.

Sa mga wala pang idea kung anong klaseng laro ang Dragonica Online, heto at panoorin nyo ang video ng Dragonica Online Trailer:



Interesado ka ba? Laro ka na din ng Dragonica Online! Para sa mga karagdagang impormasyon kung paano laruin ang Dragonica Online, puntahan lamang ang website na ito:

Jul 15, 2010

ZONE Japanese Band: Mga Tinig sa Likod ng Astro Boy OST

Ilang buwan na nkalipas, naghahanap ako ng mp3 version ng mga anime OST. Sa pag aakalang isa na iyon sa aking mga hinahanap, hindi ko sinasadyang mapakinggan ang kantang "True Blue" ng ZONE Band: isang sikat na all-girl band na nagmula sa Japan. Magaling ang pagkaka-awit nila ng kantang iyon na siyang ginamit bilang OST ng anime series na Astro Boy noong 2003. Agad akong naghanap ng music video ng kanta nilang iyon. Ang ganda ng performance nila sa kanilang music video! Bukod sa cute silang lahat (na mas lalong pinatingkad ng cute nilang costumes), magaling talaga ang ginawa nilang performance sa music video na iyon. Heto at tunghayan nyo ang music video na "True Blue" ng ZONE Band :





Nakakalungkot at matagal na palang nabuwag ang ZONE Band (1999-2005). Pormal na binuwag ang grupo noong April 13, 2005 matapos ang kanilang huling pagtatanghal sa Nippon Budokan (bahagi ng Central Tokyo sa Japan). Heto ang isang bahagi ng kanilang huling pagtatanghal. Panoorin nyo ang kanilang huling pag awit ng kantang "True Blue":



Jul 14, 2010

Unang Hakbang Ng Muling Pagsusulat

Mula nung unang magtrabaho ako (ilang taong na nakakaraan) sa isang maliit na kumpanya sa Makati, nakilala ko ang blogging: isang paraan kung saan maaari ko ibahagi sa iba ang kahit anong nais kong ibahagi sa pamamagitan ng internet. Sinabi ko sa sarili ko noon, balang araw, magiging magaling ako sa larangan ng blogging. Makikilala ako sa mundo ng blogoshere. Pero, hindi pala ganun kadali iyon. Maraming ulit ko na tinangkang mag-blog para sa iba't ibang kategorya, ngunit lahat ay nauuwi lang sa wala. Nawawala ako sa tema... Nawawalan ng oras... Nawawalan ng gana...

Ilang buwan na din mula ng itigil ko ang huli kong personal na blog (http://seoexplorer.wordpress.com). Kasabay ng paglipat ko ng kumpanyang pinapasukan ay natigil na din ako sa pagsusulat para sa blog kong iyon. Hindi ko na sinubukang magsulat uli doon; kahit ngayong may mumunting pagkakataon ako para magsulat. May prinsipyo kasi ako na kapag natigil ako ng matagal sa isang blog, hindi ko na talaga itinutuloy pa.

Marahil ay itatanong nyo sa akin kung bakit ako muling magsusulat. Ang totoo, takot akong magsulat muli. Takot akong masayang muli ang oras at pagod ko sa pagsusulat para sa isang blog na baka sa huli ay itigil ko lang muli. Ngunit, minarapat kong magsulat muli dahil maraming bagay na nais kong ibahagi sa iba... Mga bagay na hindi ko magawang ibahagi sa pamamagitan ng simpleng salita lamang... At sa ganitong paraan ko lang yung maibabahagi ang mga bagay na iyon.

Sa muling paglalapat ng aking kaisipan sa munti at simpleng blog na ito, hindi mahalaga ang anumang pagsang ayon at pag kontra nyo hinggil sa anumang bagay na naisulat at maisusulat ko dito... Ang mahalaga sa ngayon, naibahagi ko ang aking kaisipan sa inyo, at apektado kayo ng kaisipan kong ito; sa positibo o negatibo mang paraan.
Related Posts with Thumbnails