RSS
"Kwaderno ni Kiko" is my silent way to shout my thoughts, feelings, and ideas. As you read along this humble blog, get to know and learn more about me at "Kwaderno ni Kiko".

Mar 31, 2011

Featured Pinoy Online Gamer: Reniel Mozi

"Kung gusto mong lumakas, invest both ingame and in real life...

Learn from your mistakes. Mahirap OO, pero it's worth it pag nag-succeed ka ingame and in the real world."

- Reniel

Reniel with his friends during a trip
in Mantayupan Falls, Barili, Cebu Province.

Our next Featured Pinoy Online Gamer is a mysterious one. If you are a regular visitor of Dragonica PH Forum, you might encountered "The Entity" (recently changed his forum name into Eavesdrop), one of the well-known forum bully there. I don't know him so much in forum, so I've asked two of his close friends (I think!) in Dragonica PH Forum and asked them on who is "The Entity" is for them:

Aoxi said:
"Si Entity ay isang bully sa forum, bestfriend niya si Aidamus na isang bully rin. Kapag natripan kang gaguhin, gagaguhin ka talaga niya.

Try to read his posts in Dragonica forum hahaha. Pero mabait naman ito, kalog din kausap at marunong makiride sa tasaran. "Maligno" ang tawag sa kanya ng isang forumer na nakaaway niya dati (Hindi ko na makita yung thread). May pagka-mysterious type din siya. Ayon lang siguro ang masasabi ko kay Entity, like I said, mysterious ang taong ito HAHA. "
Aidamus said:
Ah si Entity. Dati, idol ko yan non. Siya kasi ang una kong napansin sa mga nag popost dito sa Dragonica PH forums. Kakaiba sya, may angking sense of humor. Siya rin yung isa sa mga pinaka unang naging forumer dito.

Isa siyang troll. Troll ito, maniwala ka saken. Pero seryoso din to. Misteryoso nga ugali nito, masyadong malalim. Andyan lang sya naglulurk sa mga threads ninyo.

Makulit, palabiro, alaskador, seryoso, at misteryoso. Yan si The Entity. Ang kanyang tunay na pagkatao hindi parin natin nalalaman. Nananatili itong misteryo.

As we can see, they have same ideas on whom "The Entity" is: forum bully, "alaskador", mystertious.

But, whom really "The Entity" is?

Well, let us get to know him more as our Featured Pinoy Online Gamer Reniel Mozi a.k.a. "The Entity" share some parts of himself to us:

Real Life Name: Reniel Mozi

Birthday: August 15

Birthplace: Cebu City

Occupation: Tambay. I stopped attending school this year due to family conflicts.
Incoming 3rd yr HRM. May plans na pumasok sa summer class at mag shift to IT.

Some info About You: I actually suck at giving self-descriptions, so I'll try my best.

Real-life:
I'm not into animes/mangga, I love western comics.
I love Horror Movies, especially with nice back stories, I can't stand blood and gore.
I love Zombies, and wishing for some Zombie Apocalypse.
May pagka-masochist at submissive.
I don't express my feelings, I hide it.
I don't have any bestfriends.
I'm open minded, weird, ambitious, emo, and I'm with the Dark Side.

First impressions ng mga taong nakakasalamuha sakin:
Suplado, tahimik, kuripot, parang may galit sa mundo.
Tama naman sila, maliban nalang sa kuripot, galante ako pramis.
Ibang-iba ako sa mundo ng internet.
Maingay, humurous, malandi, etc.
May iba din akong personality.
Deep personality. OO na, ako na ang may alter-egos.

Ingame:
I was once a haxor.
Sisihin nyo ang low security ng Rakion, Dekaron, at OP7.
Ang dali lang ma-bypass.

List of Online Games Played and Currently Playing:
Stayed for 1 month up:
MU Online, Ran Online, O2Jam, Crazy Kart, Rakion Sea, Dekaron Sea, OP7, Runes of Magic, Bandmaster, Dragonica

Stayed for 1 month less:
Perfect World, Flyff, Priston Tale, Supreme Destiny, Rohan, Twelve Sky


Kiko: How do make your characters so strong like that?
Reniel: I'm not strong. Average player siguro pwede pa.
I had never reached the "Level Cap" sa mga official servers.
Tanging sa mga Private Servers lang.
I'm 60% Chatbuild, 40% Grind mode.
Hindi casual. Tipong nakapag-level-up ka ng 2-3 times sa isang araw ok na.
Then tambay mode: Kausap guildies, PK, PVP, help the lowbies.
Syempre lalandi and flaunt your character na rin.
Sa cash items naman, malaki ako gumastos.
Iniipon ko kasi yung mga cards noon.
Ang pinakamalaki kong na load was 2,400php.
I spend para sa mga fashion items at syempre game boosting items.
I think that's inevitable, mapapagastos ka talaga.


Kiko: How do you manage and balance your in-game and real-world life?
Reniel:
Weekdays:
Dahil sa tambay ako ngayon, I spend most of my time sa harap ng computer.(I play on internet shops btw, loser ang internet sa bahay)
3-5 Hours Ingame/Internetz. 2 Hours continuation sa bahay(facebook, forums, surf, no porn-nasa sala ang PC badtrip HAHA)
I skip lunch but I do heavy breakfast.
8 hours sleep, pahirapan pa since I'm a bit insomniac.

Weekends:
Naglilinis ako ng buong bahay sa Linggo. General cleaning.
Sa Sabado naglalaba, nasira yung washing machine kaya ayon kanya kanyang laba. :))
Pag wala nag-ayang lumabas edi tambay sa bahay. Nood TV or read books.
I don't mingle with my family and relatives. Long story.


Kiko: Have you come to the point that your gaming life affected your real life?
Specially with your family and friends?
Reniel: YES.
During my high-school days. Ang masaklap graduating ako non.
I was so addicted to this game, Ran Online.
Sa halip na sa skwelahan ako pumapasok, eh sa internet shops ako tumutuloy.
Hindi pa uso ang ban nun sa mga high school students.
Dahil din dito natuto akong kumupit ng malalaking halagang pera para lang magka EP. (500 the biggest amount)
What do expect? Syempre 2 RED Grades sa 1st Grading.
Ang saklap at nakaka-heart feelings dahil first time kong makaranas ng line of 7.
Eventually nalaman ng parents.
Scolded, Grounded, Pinalo, Etc.
Lesson learned. Andami ko tuloy na miss na mga school events. Good old times.
Nag-up ng 30% ang maturity ko, then realizations came flowing.
Dagdag pa na nabiktima ng "Hack-Delete" ang character ko nun.
Then I decided to quit the game and focus on my studies.
Ayun naka-recover naman wala nang line of 7 :).
Addiction is inevitable lalo na pag-first timer.
Kung gusto mong magpa-high, nasa sa iyo na yun.
Ang advice ko lang, think first sa mga actions na gagawin mo.


Kiko: There are lots on Pinay Online Gamers nowadays.
Do you (by any chance) seek some proof to prove that the one who you're playing is a real girl?
If so, WHY? Is that a big deal?
Reniel: Before, YES.
Syempre andun yung point ng "Curiousity" mo.
To think that girls play MMORPGs eh kadalasan they're more on cute things and stuff, syempre ang cool nun.
So di rin maiiwasan na mabiktima ka ng mga poser. Another lesson learned.
Now, wala na akong pakialam. I learned that when I started playing Pservers kung san ang makakasalamuha mo eh iba't ibang tao sa mundo.
Kasi sa kanila, lahat ng online gamers eh lalaki.
Bonus na pag babae talaga ang makakasalamuha mo.
I find it even cooler if you remained anonymous.


Kiko: Special Question from Girls: Bakit ang TULIS nyo kapag nalaman nyo na "real "girl ung player?
Reniel: Instincts na ng guy yun.
On my part, di ako matulis.
Torpe ko nga eh. HAHA


Kiko: What do you exactly feel when you are 'constantly' pawned or owned by a girl in-game?
Reniel: overwhelmed.
Ilang beses nang nangyari sakin to (Rakion Days) schoolmate ko pa.
Tinatawag ko nga syang "Ate Idol". Nagpapaturo narin minsan.
Then the essence of "Admiration" will pop-out.


Kiko: Have you fall in love in-game?
Reniel: INGAME?
NO. I play to play and have fun. Not to fall in love.


Kiko: If you need to choose only one between two things: girlfriend or game; which one you'll choose NOW?
Reniel: Girlfriend.
Gusto ko rin malaman ang feeling ng may girlfriend.
Yung may ka-text ka hanggang madaling araw.
Ka-HHWW mo habang sabay umuwi/lumakad.
Kasabayan sa pagkain, subuan moments.
Panonood ng mga romantic films sa sine. Biglang pag-akap ng girl sayo dahil natatakot sa Horror movie na pinapanood.
Yung pagpapalitan ng mga katagang 143, 1433, 14344, etc.
Mga monthsaries.
Mga LQ, tapos reconciliations.
Haaay. Ako na, ako na ang hopeless romantic, torpe at NGSB.
Ay sus, ang OA na.


Kiko: Do you prefer your girlfriends to be gamers as well, or not? WHY?
Reniel: Not necessarily. Bonus na yun.
Ok din naman yun, dahil nagkakasundo kayo sa mga bagay tungkol jan.
Pero gusto ko rin maiba, nakakabagot din kaya minsan pag online games ang topic nyo kadalasan.


Kiko: Any tips for your fellow gamers in your current games?
Reniel: Wag tayong magtanim ng hard feelings sa ating kapwa. Kalokohan yan.
Ok rin minsan ang magkaroon ng katapat/kaaway sa isang aspect ng game.
Sign yan na hindi lang ikaw ang malakas, take it as a challenge.
Minimize ang gastos sa pera. Mas mabuti pang ikain mo yan or isave.
Wag na wag kang magpadala sa game, or say hello sa RED Grades.
Yes, arguing/debating in the internetz is fun, but don't take it seriously.
Everybody starts at Level 1.
Kung gusto mong lumakas, invest both ingame and in real life.
May makakasalamuha kang iba't ibang klase ng tao.
Be open-minded and respect the people around you.
Alam mo ang tama at mali, nasa sa iyo na kung sang daan ka tutungo.
But don't trust anyone ingame unless you know them personally.
Learn from your mistakes. Mahirap OO, pero it's worth it pag nag-succeed ka ingame and in the real world.


Kiko: Anything else you want to say?
Reniel: Sa wakas natapos ko narin ang resume ko.
Ang hirap ng mga tanong. Salamat kay Kiko.
Galing ng convincing powers.
Hello sa mga tambay sa Port of Winds Sea Side Cafe.
Sa mga troll ng DGN Forums.
Yun lang.
Ay oo nga pala.
Hello sexy, what's up? :)


Thanks a lot, Reniel for sharing yourself to us! For sure lots of them get to know you much better now!

Special thanks to Aoxi and Aidamus for sharing their feedbacks about "The Entity".
And most specially to the "one" who recommended him to be Featured Pinoy Online Gamer.
Related Posts with Thumbnails