One of my friends in Facebook had shared this speech to me. This is a speech delivered by a La Sallian engineer during one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering. His speech is not like the typical speech you might already heard or will be hear during any graduation ceremonies. Here are some excerpts of his speech that really strucked me so much:
...Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award....
...Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo....
...This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi....
To read more this speech, check this out:
0 comments:
Post a Comment