RSS
"Kwaderno ni Kiko" is my silent way to shout my thoughts, feelings, and ideas. As you read along this humble blog, get to know and learn more about me at "Kwaderno ni Kiko".

Aug 10, 2010

My Wife's New Home!

Sa wakas; matapos mabakante ng higit sa isang taon sa patuturo ang misis ko; nakahanap na din sya ng bagong eskwelahan na pagtuturuan: sa High School Department ng Manila Central University! Yup! Sa MCU nga! Hehehe... Sobrang lapit ng "new school" ng misis ko: wala pang 20 minuto ang byahe mula sa bahay namin sa Malabon papunta sa MCU sa Caloocan. In short, malaki ang matitipid nya sa pamasahe pa lamang. Malaking bagay din iyon para mas makapag ipon kami. (Ako kasi, sa Mandaluyong pa ang opisina ko; pero OK lang kasi tama lang sa sinasahod ko yung gastos ko sa pamasahe)

Ang kulit ng naging pagpunta nya sa MCU kahapon. Papaano ba naman, talaga palang hinihintay ng Principal ang pagpunta dun. (hindi kasi sya nakapag reply pa dati noong nagtext ang MCU tungkol sa demo teaching nya na yun gawa na medyo badtrip sya sa lakad nya ng araw na iyon sa Tinejeros High School) Ang bungad ba naman sa kanya pagkakita sa kanya ng Principal: "Mabuti at nag report ka, akala ko natanggap ka na sa public school." Hindi pa man sya nagsisimula sa demo teaching nya (na sya naman talagang dahilan kung bakit sya nag report dun), marami nang sinabi ang Prinicipal na nagpahiwatig na kukunin sya bilang bagong guro nila: nag confirm kung General Science nga ba sya at ipapahawak daw sa kanya buong First Year; na bibigyan daw sya ng isang load sa Physics since nagturo naman daw sya ng Math before sa SAIS (St. Agustine International School); kung hindi daw ba sya na-ospital dahil kung hindi naman daw eh wala naman daw magiging problema sa medical exam nya. Kaya; para sa misis ko; para joke-joke na lang ang demo teaching nya na ginawa kahapon. Magkaganun man, ipinakita nya sa demo teaching nya kung anong klase ng teacher sya pagdating sa classroom (which we think na mas nagpa impressed sa Principal ng MCU HS). Matapos ang demo teching nya, nagpunta agad sila ng Principal sa MCU HRD. Ipinapa asikaso agad ng mabuti ang mga papers nya para daw makapagsimula na sya ng pagtuturo sa lalong madaling panahon; kaya namang siguradong magiging abala ang misis ko sa mga susunod na araw.

Isa talagang blessed day para sa amin ang araw na nakalipas! At sana, ganoon din sa mga darating pang mga araw!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails