RSS
"Kwaderno ni Kiko" is my silent way to shout my thoughts, feelings, and ideas. As you read along this humble blog, get to know and learn more about me at "Kwaderno ni Kiko".

Aug 30, 2010

WordCamp Philippines 2010 Campers' T-Shirt

Astig ang Campers' T-Shirt for WordCamp Philippines 2010! Kumpara sa designs ng Campers' Shirt ng mga nagdaang WordCamp PH, ito ang pinakamaganda sa lahat! Heto at tingnan nyo ang Campers' T-Shirt for the past 3 years:
WordCamp PH 2010 Official Campers' Shirt
WordCamp PH 2010 Official Campers' Shirt

WordCamp PH 2009 Official Campers' Shirt
WordCamp PH 2009 Official Campers' Shirt

WordCamp PH 2008 Official Campers' Shirt
WordCamp PH 2008 Official Campers' Shirt

Aug 27, 2010

August 23 Hostage Drama Animated Presentation

Base na din sa salaysay ng mga nakaligtas na hostages, nabuo ng isang foreign authority ang isang animated presentation kung saan makikita ang posibleng tunay na mga pangyayari sa loob ng bus sa kasagsagan ng madugong hostage drama. Heto at panoorin nyo:



Aug 26, 2010

Mahiya Naman Tayo Kahit Konti Lang

Ilang araw matapos madugong hostage drama na naganap sa Quirino Grandstand; makaraan na mapahiya tayong mga Pilipino sa buong mundo dahil sa hindi maayos na pag handle ng S.W.A.T. Team sa hostage situation; heto at may ilang mga Pilipino na nagpapadagdag pa sa kahihiyan ng Pilipinas. Tingnan nyo ang mga larawang ito na nakuha ko sa isang international website:

Para kayong mga walang pinag aralan... Wala kayo sa amusement park, mga bata...
At sa pulis na nasa picture, huwag ka umasta na para kang isang bayani...
Ano feeling mo? Isang magandang Philippine Scenery yang nasa likod mo?
Grabe... nakakahiya kayo... mga taga S.O.C.O. pa man din kayo...

Mga tol, yang lugar na yan ay isang crime scene, hindi tourist spot na kung saan pwede kayo magpa picture nang ganun-ganun lang. Mahiya naman tayo sa mga taga ibang bansa.

Aug 25, 2010

Dragonica Online Game Balancing Issue

Kahapon (August 24, 2010; around 3:30PM), naglabas si CM Pyro ng bagong announcement sa Official Dragonica Online PH Blog:


Kung mababasa nyo, naglagay sila ng Additional 5% Experience Rate sa Channel 2 ONLY ng Dragonica Online Server nang sa ganoon DAW ay makaroon ng "Game Balance". Sa totoo lang, hindi ko makita ang tinatawag nila na game balancing sa ginawa nilang ito. How come the game will be balance if Channel 2 ONLY has the additional experience rate? The game will be MORE IMBALANCE since the tendency of MOST PLAYERS was to play at Channel 2.

For me, as a player, the best thing to do to resolve the issue regarding "Game Balancing" is to apply the additional 5% experience rate to ALL the channels and then limit the number of players that can enter a single channel. Let say, each channel has a capacity of xxxx players. When a certain channel reach this limit, notify the other players who will try to enter that channel that it was was already full and encourage them to play on other channels. That's it. Sa ganitong paraan, mas magiging balanse ang laro.

Whether you agree with me or not, don't forget to vote on this poll. Salamat.

Aug 24, 2010

Happy Birthday, Sir Rodney!

Here are some of the pictures taken yesterday; August 23, 2010. Happy Birthday, Sir RM!


Sir Rodney Cutting His Birthday Cake
Sir Rodney Holding Our Birthday Gift For Him

Sir Rodney with Westco Alliance Dayshift Employees

Aug 23, 2010

Mrs. Thompson and Teddy

"Warm someone's heart today. Please remember that wherever you go, and whatever you do, you will have the opportunity to touch and/or change a person's outlook. Please try to do it in a positive way. Today is the tomorrow you were worried about yesterday."
This is an excerpt of a story from my friend's blog. I can't repost the story here due to duplicate content issue; just read the full story of Mrs. Thompson and Teddy at Emotera's Blog. For sure, it will touch your heart.

Aug 19, 2010

Tifa Lockhart: Sexiest Female Video Game Character of 2010

Lots of gaming experts have conducted different surveys to determine who among the female gaming characters are the sexiest among the others. Iba't iba man ang naging TOP 10 Choices ng bawat gaming experts, nagkaisa sila sa kung sino ba talaga ang maituturing na "sexiest female video characters for 2010": walang iba kundi si Tifa Lockheart ng Final Fantasy. Hindi ako naglalaro ng game na ito kaya hindi ako pamilyar sa itsura ni Tifa Lockhart. Pero maski ako, namangha sa ganda nya nang makita ko mga larawan nya. Heto ang ilang pictures at videos ni Tifa Lockhart; the Sexiest Female Video Game Character of 2010:





I May Look Calm...

Hindi ako ganito mag isip, ha? I just saw this quotation in one of my colleagues' avatar. Hehehe... OK na i-print ito sa t-shirt.

Aug 18, 2010

Liu Wei: Inspiring Armless Pianist

Nabasa ko lang ito sa Yahoo! News nitong araw ding ito. Di ko maiwasang hindi i blog agad dahil nakaka inspired talaga ang dedikasyon ni Liu Wei; isang 23 taong gulang na Chinese guy; na tumugtog ng piano gamit lamang ang kanyang mga paa. Narito ang performance ni Liu Wei sa China Got Talent (with English Annotation)


Hindi biro ang tumugtog ng piano gamit ang mga paa. Nang tanungin sya ng judge kung paano nya nagawa iyon, ang sagot nya: "I only have two choices in my life: either I die now, or live a wonderful life. There is no rule that says piano can only played by hands." Very short; yet so striking and inspiring.

Aug 16, 2010

E-Games Dominate Gamer VS Gamer Event!

Idinaos noong nakaraang araw ng Sabado (August 14, 2010) sa A. Venue Hall sa Makati Ave., Makati City ang "Gamer VS Gamer" Event; isang gaming convention na ini organized sa pangunguna ng SkyCable at SkyBroadband. Pagkagaling sa trabaho, agad akong tumuloy sa lugar ng convention. Isang oras ang byahe ko mula sa opisina ko sa Mandaluyong hanggang sa Makati (hehehe, medyo naligaw kasi ako eh); pero OK lang kasi pagdating ko dun, hindi pa nagsisimula ang event.

Pagpasok ko sa venue, agad ko nilibot ang buong lugar. Sa pag iikot ko, napanasin ko na sinakop ng E-Games booths ang 3 sulok ng hall: Cabal Gaming booth sa kanang bahagi malapit sa stage; RAN / Op7 Gaming Booth sa kabilang bahagi; at syempre ang Dragonica Gaming Booth sa tabi ng RedFox at Ran/Op7 Booth.


Dragonica Gaming Booth

Nakita ko dito si CM Pyro na naka uniporme ng E-Games (siguro yun yung uniporme nila as CM). Agad ko siyang binati at pagkatapos ay nagpa autograph ako sa kanya sa isang sealed Dragonica Slayer Pack (hehehe, wala lang; parang remembrance lang!).

Sealed Dragonica Slayer Pack with CM Pyro's Signature

Gaya ng dati, nagtanong ako ng ilang bagay tungkol sa Dragonica Online; tulad ng hanggang kailan nakabukas ang CBT servers. Ayon kay CM Pyro, isasara nila muli ang CBT Servers ilang araw bago ang OBT bilang paghahanda sa pagsisimula nito sa August 24. Nabanggit din niya ang tungkol ng kanilang commercial na ipapalabas nila isang linggo pagkaraan ng pagsisimula ng OBT. Matapos ang maikling pakikipag usap sa kanya, bumalik sya sa pagsusubaybay sa mga newbie players ng Dragonica Online; na karamihan sa kanila ay pawang mga bata. Napansin ko na halos lahat ng batang manlalaro ng Dragonica ay gumagamit ng RedFox GamePad; tingin ko naman ay nag eenjoy silang maglaro gamit ang gamepad!

CM Pyro Assisting Newbies Playing Dragonica Online

Naisip kong mag ikot-ikot muna sa hall habang hindi pa nagsisimula ang event. Sa paglilibot ko, marami akong nakasalubong na cosplay participants. Heto ang mga larawan ng ilan sa mga cosplay particpants na nakasalubong ko:

Few Cosplay Participants

Nakatuwaan ko ding silipin ang ibang gaming booths tulad ng Cabal Online:

Cabal Online Gaming Booth
Cabal Players
Cabal CM Assisting Cabal Players

Sa gitnang bahagi ng hall (sa pagitan ng Dragonica at Cabal Booth), may mga arcade games din tulad ng Tekken 5:

Gamers Enjoying Playing Tekken 5
Busy Playing Tekken 5

BTW; during the event; nakabili nga pala ako ng Dragonica T-Shirt worth P200 only. Ang mura ano? Mura din ang Redfox Gamepad worth P495 only. Sayang, Dragonica T-Shirt lang kaya kong bilhin.

Dragonica T-Shirt (Front)
Dragonica T-Shirt Print (Close Up)
Dragonica T-Shirt (Back)

Around 4:50 pm yata nang magsimula na ang event. Hosted by JC De Vera, nag roll call sya ng mga participating sponsors sa event na iyon. Ilan dito ang SkyCable, Sky Broadband, E-Games, RedFox, DataBlitz, at marami pang iba.

Isa-isa niyang inikot ang bawat booth ng -Games at nag interview sa mga CM ng bawat laro; at syempre, na interview din nya si CM Pyro ng Dragonica Online (naks!) kung saan nagdemo si CM Pyro kung paano laruin ang Dragonica Online gamit ang RedFox Gamepad.

CM Pyro with Event Host JC De Vera

Hindi na din ako masyadong nagtagal sa venue dahil hinihintay na ako ng asawa ko sa bahay at low batt na din ang digital camera na dala ko. Bago umalis; nagpaalam ako kay CM Pyro. At syempre, nagpa picture uli ako (hehehe, feeling close?!)

CM Pyro and Francis

Hindi ko man natapos ang event, nag enjoy ako sa ilang oras na inilagi ko dun. Aabangan ko ang iba pang events ng E-Games; lalo na ng Dragonica!

Aug 14, 2010

Midnight Phantom: Pocketbook and TV Version Comparison

Nang mamasyal kami sa SM North EDSA last Monday (August 9, 2010), nakatuwaan namin bumili ng bagong babasahin. Dahil wala pang inire release na bagong libro ang paborito naming author na si Bob Ong, naisip namin bumili ng ibang libro. Isa na dito ang pocketbook na "Midnight Phantom" na isinulat ng isa sa magagaling na Pinoy Romance Story Author na si Martha Cecilia. Ang Midnight Phantom ang isa sa mga Precious Heart Romances stories na binigyan-buhay sa TV ng ABS CBN's TV series na Precious Heart Romance Present. Nasuybaybayan ko na ang istorya ng Midnight Phantom sa TV pa lamang, pero minarapat ko pa ding bumili at basahin ang pocketbook version nito sa ganoon ay makita ko kung may pagkakaiba ang Midnight Phantom sa pocketbook at sa TV. At ito ang aking mga naging obserbasyon:
  1. Sa pocketbook; bagamat hindi masyadong malinaw; ay may konting rebelasyon tungkol sa pagkataon ni Anya. Sa TV, sa huling bahagi na ng kwento ipinakita kung ano ba talaga ang nakaraan ni Anya.
  2. Magkaiba ang lokasyon ng sugat sa mukha ni Brandon sa pocketbook at sa TV.
  3. Magkaiba din ang setting kung saan binigay ni Anya ang regalo niyang kotse kay Nadjia.
  4. May eksena sa TV na wala sa pocketbook.
  5. May ilang detelyadong pangyayari sa pocketbook na hindi na ipinakita sa TV. (magkaganoon man, hindi nito nasira ang kalidad ng istorya)
  6. Magkaiba ang pangalan ng "misteryosong bata" sa pocketbook at sa TV.
Ito ay ilan lamang sa aking mga napuna na pagkakaiba ng Midnight Phantom kung ito ay babasahin sa pocketbook at kung ito ay papanoorin sa TV. Sa kabuuan, ang Midnight Phantom ay isang pocketbook na magandang basahin at isang TV Series na magandang panoorin.

TIP: Panoorin nyo ang complete Midnight Phantom episodes hanggang sa bago ang huling 5 episodes nito, pagkatapos ay basahin nyo ang pocketbook nito hanggang sa kung saan ang napanood nyo. Sigurado ako, mae-excite din kayo manood at magbasa ng Midnight Phantom.

Interesado ka na ba basahin at panoorin ang Midnight Phantom? Heto at tingnan nyo ang Midnight Phantom Teasers for Pocketbook and TV:

Midnight Phantom Story Preview (From the Pocketbook)
Midnight Phantom Pocketbook Back Cover
Midnight Phantom Trailer (For TV)

Aug 13, 2010

Amazing Water Painting

This video was shared to to me by Romz. Ang masasabi ko lang: Amazing! Bakit? Heto at panoorin nyo na lang:


Aug 12, 2010

Dragonica Online OBT on August 24, 2010

Yehey! Sa wakas, opisyal na ini announce ng Official Dragonica PH Blog ang pagbubukas ng Dragonica Online OBT! Yup! Magsisimula na ang Dragonica OBT sa August 24, 2010; Martes, sa ganap ng alas dose ng tanghali. At bilang bonus, bubuksan nila ulit ang CBT servers! Bakit? Ito ay dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
  • Upang ma test muli ng mga developers ang laro hanggang sa mga huling araw bago ang nalalapit na araw na pagbubukas ng Dragonica OBT.
  • Para makapag start na ng manual patching ang mga players (sa ganitong paraan, hindi na kailangang mag patch muli sa araw na magsimula na ang OBT).
  • Para gamitin sa gaganapin nilang event na "Gamer VS Gamer" sa darating na Sabado (August 14, 2010).
  • Itaas ang Level Capacity or Limit sa Level 50 (mula sa orihinal na Level 45).
Para maging malinaw sa lahat, ipinababatid ni CM Pyro na ang lahat ng account na ginamit sa CBT ay magagamit pa din sa pagbubukas muli ng CBT servers; pero, sa oras na magsara na uli ang CBT, ang lahat ng characters ay mawa WIPED OUT muli. Isa pa, hindi na din mare retain ang mga character names na magle level 40 sa muling pagbubukas ng CBT Servers; tanging mga naka level 40 lamang noong bago magsara ang CBT last August 6, 2010 ang kasali sa Name Retention.

Paano? Kita kits na lang sa August 24, 2010!
Cheers, Dragonicans!

Aug 11, 2010

Got Dragonica Slayer Packs and Posters From CM Pyro!

Kahapon, ini-annouce sa Official Dragonica PH Blog na maaari nang kumuha ng Bounced and Unclaimed Dragonica Slayer Pack sa kanilang opisina ang sinumang may gusto magkaroon ng sariling Dragonica Slayer Pack. Kasama ang dalawa kong kasamahan sa trabaho na si Derek at Edith, nagtungo agad kami sa opisina ng E-Games sa RCBC Plaza sa Makati City para kumuha ng Dragonica Slayer Pack. Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman namin habang papunta kami doon. Excitement kasi makakakuha kami ng kani-kaniyang Dragonica Slayer Pack at maaaring mami meet namin in person ang isa admin ng Dragonica PH Blog. Nakakatawa lang kasi sa sobrang excitement namin na makarating sa lugar, bumaba na agad kami ng bus sa may Paseo de Roxas pa lang (mga dalawang underpass pa ang nilakad at dinaanan namin bago kami nakarating sa RCBC Plaza) Medyo kinabahan din kami kasi isa mga kasama ko ay walang dalang ID (Nagkasundo na kami na ibibigay ko na lang sa kanya yung makukuha kong Slayer Pack since nakakuha na ako ng delivered Slayer Pack before; sumama lang sya para makita nya in person yung opisina ng E-Games) at baka hindi sya papasukin sa entrance pa lamang ng building. Mabuti na lang at mababait ang guard sa RCBC Plaza, nag inspection lang sila ng mga bag namin. Nang marating na namin ang 4th Floor kung saan nandoon ang opisina ng E-Games, natuwa kami dahil sa wakas abot kamay na namin ang inaasam naming Slayer Pack at dahil mukhang kami pa lamang ang nagpunta doon para sa Slayer Pack (na confirm namin na kami nga ang mga naunang nagpunta doon kasi kami pa lamang ang nakapirma sa guard's log book).

May ilang minuto kami naghintay sa lobby bago lumabas si CM Pyro (yup! We meet him in person!) Medyo na star struck ako pero konti lang naman; may pakiramdaman naman na ako na may mami meet talaga kaming Dragonica PH Blog Admin pagpunta namin doon; hindi ko lang alam kung sino kay CM Pyro or PM Steffy nang makikita namin. Matapos magpakilala sa amin ni CM Pyro, ipinasulat nya sa amin sa isang maliit na papel ang ilang mahahalagang impormasyon tulad ng buong pangalan, e-mail addresss at contact number ng bawat isa sa amin. Matapos namin iabot sa kanya ang papel na sinulatan namin ay pumasok sya muli sa loob upang ikuha kami ng tig isang Dragonica Slayer Pack. Ilang minuto lamang ay bumalik na sya sa lobby dala ang Dragonica Slayer Packs at Dragonica Posters para sa amin! Natuwa kaming tatlo kasi may kasama pang poster yung Dragonica Slayer Pack na ibinigay sa amin. Tulad ng ibang player, nagtanong din kami kay CM Pyro hinggil sa kung kailan magsisimula ang Dragonica OBT. Ayon kay CM Pyro, wala pang exact date kung kailan talaga magsisimula ang OBT; ngunit tiniyak nya sa amin na sa buwan din na ito (August, 2010) magsisimula ang pinakahihintay ng lahat na pagsisimula ng Dragonica Online OBT. "Just wait for our further annoucement sa blog at forums namin regarding sa start ng OBT", ika ni CM Pyro. At bago umalis, humiling ako kay CM Pyro na kung maaari ay magpakuha kami ng pictures kasama nya. Ang bait ni CM Pyro kasi pinaunlakan nya ang hiling namin. At umalis na kaming tatlo sa opisina ng E-Games.

Edith, CMY Pyro, and Derek at E-Games Lobby
Edith, CM Pyro, and Derek
Francis, CMY Pyro, and Derek at E-Games Lobby
Francis (ako yan!), CM Pyro, and Derek

Dragonica Poster (given by CM Pyro)

Nakakapagod ang lakad namin na iyon; lagpas alas otso na ng gabi kami nakauwi sa aming mga bahay. Magkaganoon man, masaya ako para sa mga kasamahan ko dahil natulungan ko silang magkaroon ng sarili nilang Dragonica Slayer Pack with bonus Dragonica Poster pa. Personally; higit sa mga item na nakuha namin; masaya ako dahil na meet ko in person ang isa sa mga tao sa likod na Dragonica Online Philippines. Maraming salamat, CM Pyro! Maraming salamat po sa mga ibinigay nyo po sa amin na Dragonica Slayer Packs at Posters! We really appreciate it a lot! It's a great honor to meet you in person! Thank you also to Miss Lyle and Miss Jane (mga tao na nakausap ko muna sa phone bago kami nagpunta sa E-Games Office) sa pasensya nyo sa akin sa kabila ng kakulitan ko sa phone. I hope to meet PM Steffy also in one of these days!

Again... Thanks a lot, CM Pyro and to the rest of Team Dragonica!

Aug 10, 2010

My Wife's New Home!

Sa wakas; matapos mabakante ng higit sa isang taon sa patuturo ang misis ko; nakahanap na din sya ng bagong eskwelahan na pagtuturuan: sa High School Department ng Manila Central University! Yup! Sa MCU nga! Hehehe... Sobrang lapit ng "new school" ng misis ko: wala pang 20 minuto ang byahe mula sa bahay namin sa Malabon papunta sa MCU sa Caloocan. In short, malaki ang matitipid nya sa pamasahe pa lamang. Malaking bagay din iyon para mas makapag ipon kami. (Ako kasi, sa Mandaluyong pa ang opisina ko; pero OK lang kasi tama lang sa sinasahod ko yung gastos ko sa pamasahe)

Ang kulit ng naging pagpunta nya sa MCU kahapon. Papaano ba naman, talaga palang hinihintay ng Principal ang pagpunta dun. (hindi kasi sya nakapag reply pa dati noong nagtext ang MCU tungkol sa demo teaching nya na yun gawa na medyo badtrip sya sa lakad nya ng araw na iyon sa Tinejeros High School) Ang bungad ba naman sa kanya pagkakita sa kanya ng Principal: "Mabuti at nag report ka, akala ko natanggap ka na sa public school." Hindi pa man sya nagsisimula sa demo teaching nya (na sya naman talagang dahilan kung bakit sya nag report dun), marami nang sinabi ang Prinicipal na nagpahiwatig na kukunin sya bilang bagong guro nila: nag confirm kung General Science nga ba sya at ipapahawak daw sa kanya buong First Year; na bibigyan daw sya ng isang load sa Physics since nagturo naman daw sya ng Math before sa SAIS (St. Agustine International School); kung hindi daw ba sya na-ospital dahil kung hindi naman daw eh wala naman daw magiging problema sa medical exam nya. Kaya; para sa misis ko; para joke-joke na lang ang demo teaching nya na ginawa kahapon. Magkaganun man, ipinakita nya sa demo teaching nya kung anong klase ng teacher sya pagdating sa classroom (which we think na mas nagpa impressed sa Principal ng MCU HS). Matapos ang demo teching nya, nagpunta agad sila ng Principal sa MCU HRD. Ipinapa asikaso agad ng mabuti ang mga papers nya para daw makapagsimula na sya ng pagtuturo sa lalong madaling panahon; kaya namang siguradong magiging abala ang misis ko sa mga susunod na araw.

Isa talagang blessed day para sa amin ang araw na nakalipas! At sana, ganoon din sa mga darating pang mga araw!

Aug 6, 2010

RPG Metanoia: Philippine's First 3D Animated Movie

Sa kauna unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Cinema, ipapalabas na ang kauna unahang 3D animated movie na gawang Pinoy: RPG Metanoia. Sa pagtutulungan ng Star Cinema, AmbientMedia at Thaumatrope; sa wakas; mapapanood na din natin ang nasabing pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival na gaganapin sa December 25, 2010. Ang RPG Metanoia ang isa sa Official Entry ng Star Cinema sa nasabing patimpalak.

Ayon sa www.movienews.me: "The RPG Metanoia 3D movie trailer features the main character Nico in his simple life as a child and his active life in the online world through the online game Metanoia. The movie will tackle how an online game can inspire and push a kid to become the man that he wants to be and to build the future that he is dreaming of. It is a story of courage, inspiration and camaraderie."

Heto at panoorin nyo ang movie trailer ng RPG Metanoia:



Ayon sa balitang nabasa ko sa internet, tampok dito ang boses nina Aga Muhlach, Zaijan Jaranilla a.k.a. "Santino", Mika dela Cruz, Vhong Navarro and Eugene Domingo.

Maihahalintulad ang kalidad ng pelikulang ito sa Toy Story or Shrek movies. Isang patunay na kaya ng galing ng Pinoy na makipagsabayan sa mga animated movies na gawa ng ibang bansa.

Aug 5, 2010

Dragonica Online Philippines CBT Period End

Makalipas ang mahigit dalawang linggo mula nang magsimula ang Dragonica Online Philippines Closed Beta Testing noong nakaraang July 19, 2010, pormal na itong magtatapos bukas; August 6, 2010 sa ganap na alas dose ng tanghali. Gaya ng nasabi ko dati, lahat ng accounts na ginawa ay mawawala sa pagtatapos ng CBT period. Pero, huwag kayo malungkot; testing lang naman ang lahat. At sa mga naglaro sa CBT at nakaabot ng level 20... Congratulation! Bilang gantimpala sa inyo na matiyagang nagpalakas ng kani-kanyang character, makakatanggap kayo ng Dragonica Frontier Medal na magbibigay ng additional stats depende sa kung ano ang character nyo. Matatanggap nyo ito sa oras na magsimula na ang Dragonica Online Philippines OBT. (May kumakalat na "rumors" sa forums na sa August 19, 2010 DAW magsisimula ang OBT)

Paano? Kita-kits na lang sa pagbubukas ng Dragonica Online Philippines OBT!

The Real Adventure Was About To Begin... SOON!

Aug 3, 2010

Cinco: Pinoy Horror Movie

Noong nakaraang araw ng Linggo, nagkayayaan kaming mag asawa na manood ng pelikulang "Cinco" na gawa ng Star Cinema. Ang "Cinco" ay binubuo ng limang magkakaibang istorya tungkol sa mga kasalanan ng iba't ibang bahagi ng katawan: braso, paa, mata, mukha, at puso. Bawat istorya ay hinawakan ng iba't ibang magagaling na direktor. Ang masasabi ko lamang: Sulit panoorin ang pelikulang "Cinco"! Hindi na ako masyado magsasabi ng detalye ng pelikula kasi mawawala ang pagka suspense nito. Heto at panoorin nyo lang ang Official Movie Trailer nito:


Aug 1, 2010

Piece Of Heaven by Weiss Kreuz

Isa sa mga favorite anime OST ko ang "Piece of Heaven" by Weiss Kreuz. Syempre, mas maganda pakingggan ang isang music kung LIVE! Heto ang live performance ng Weiss Kreuz ng kantang "Piece of Heaven":


Related Posts with Thumbnails